memoirs of amnesia

...If my memory of her has an expiration date, let it be 10,000 years...


sporadic rants from the desk of a horny daysleeper. a collection of essays culled from the depths of his nicotine beer marinated solar plexus mind...

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Tuesday, January 8th, 2008

Written by a certain Rev. Fr. Ariel F. Robles, this story found its way thru my email (courtesy of Y'er Mac ' 98). Napatigil ako habang binabasa ito. With recent deaths in the family, naisip ko din mga hirap ng mga parents natin sa atin and sometimes how we took them for granted (lahat naman tayo guilty in some point or another). Lalo ko na-appreciate now that I am bringing up another life. 

So take time to read this when you can. And take time to have quality time with them while you can, while they still can…

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Mahal kong Anak, 

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. 

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. 

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa  lamang lumakad. 

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. 

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. 

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. 

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. 

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit. Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. 

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. 

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. 

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …. Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina…

 
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles (CWL Spiritual Director, St. Augustine Parish of Baliuag, Bulacan) 

" Paki forward na lang… hindi para mang-SPAM , para malaman nating lahat ang halaga ng mga magulang natin

Posted by enteng at 2:12 pm | permalink | Add comment

     

January 2008
M T W T F S S
« Dec   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Noisy

ibcbet:

Cara sempurna untuk binatang buruan sandiwara ibcbet di mana di sandiwara seluruh di kenyamanan rumah anda.

sbobet:

Di mana anda bisa bertanding dengan binatang buruan dan informatif dan menggunakan penuh sbobet penggunaan di rumah anda. http://www.bolazoom.com/sbobet/sbobet-com/

Watch Mayweather vs Ortiz:

blogwalking

pacquiao vs mosley live stream:

Visit my site for you to watch pacquiao vs mosley online.

pacquiao vs mosley:

This blog is really Cool! You can visit my site for the upcoming fight of Pacquiao vs Mosley.

culajao mangrove eco park:

nice blog

culajaomangrove ecopark:

nice blog.

VidsToday:

Your blog post make me amazed. Thanks for sharing it. Keep it up and I’m hoping that on the other day there will also another interesting topics.

Watch Movies and TV Series:

I read your blog post. I really admire the contents of it.
Thanks for sharing it and keep it up.

starcraft 2 cheats:

Nice to be here.

area rugs:

ako si kyle

Vidmines' Blog:

great post, i hope I can have this kind of blog too.

Watch Online:

tama ang astig

Cheats and Hack:

Click my name to download Cheats for Cityville

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

BuzzedNow.com:

Random Buzz around the world, check it out

Sarah:

Hello… :)

Kimmy-H:

Merry Christmas, bro!

Kimmy-H:

I linked you up na. :)

Leave a message ▼

soundscape

Latest Comments

I Found It!

Subscribe

Technorati
Bloglines

Sponsored Links