Written by a certain Rev. Fr. Ariel F. Robles, this story found its way thru my email (courtesy of Y'er Mac ' 98). Napatigil ako habang binabasa ito. With recent deaths in the family, naisip ko din mga hirap ng mga parents natin sa atin and sometimes how we took them for granted (lahat naman tayo guilty in some point or another). Lalo ko na-appreciate now that I am bringing up another life.
So take time to read this when you can. And take time to have quality time with them while you can, while they still can…
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo
Pagpasensyahan mo
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng
Pagpasensyahan mo
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo
Pagpasensyahan mo na
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles (CWL Spiritual Director,
" Paki forward na lang… hindi para mang-SPAM , para malaman nating lahat ang halaga ng mga magulang natin